One of Joseph Smith's scribes takes down his dictation of the Book of Abraham translation.
Joseph Smith uses a magnifying glass to read the scroll.
Talambuhay

Mga nakapanayam na dalubhasa sa Ang Nawalang Aklat ni Abraham


Si Edward H. Ashment ay isang doctoral candidate sa Egyptology sa University of Chicago at dating nagsilbing Supervisor sa Scripture Translation Research para sa Translation Division ng simbahang LDS. Siya ang may-akda ng maraming sinaliksik na artikulo patungkol sa Aklat Abraham at iba pang mga aspeto ng pag-aaral ng Mormonismo.

 

Si Lanny D. Bell, Ph.D. ay isang Adjunct Professor Egyptology sa Brown University sa Providence, Rhode Island.

 

 

Si Craig L. Blomberg, Ph.D. ay isang Propesor ng Bagong Tipan sa Denver Seminary. Siya ang kasama ni Dr. Stephen Robinson ng Brigham Young University sa pag-akda ng librong How Wide the Divide? A Mormon and an Evangelical in Conversation (IVP, 1997).



Si David Crump, Ph.D. ay Associate Proffesor ng Relihiyon sa Calvin College sa Grand Rapids, Michigan. Tumira siya ng maraming taon sa Salt Lake City, Utah.   

 

Si Stan Larson, Ph.D.



 

 

Si Richard J. Mouw, Ph.D. ay Presidente ng Fuller Theological Seminary sa Pasadena, California, ang pinakamalaking nondenominational na seminaryo sa buong mundo. Si Dr. Mouw ay nagsimulang makipagpanayam ng maraming taon sa mga iskolar ng Mormonismo.   



Si Robert K. Ritner, Ph.D. ay Associate Professor ng Egyptology sa The Oriental Institute of the University of Chicago. Siya ang may-akda ng mga tahasang iskolar na salin ng tatlo sa mga Joseph Smyth Papyri (kasama ang Facsimile 3 sa Aklat ni Abraham) kilala bilang pinanggalingan ng Aklat ni Abraham: “The ‘Breathing Permit of Hôr' Thirty-four Years Later," sa Journal of Near Eastern Studies, Vol. 62, No. 3 (2003), at Dialogue: A Journal of Mormon Thought, Vol. 33, No. 4.



Si Jan Shipps, Ph.D. ay Propesor ng Kasaysayan Emeritus sa University of Indiana-Purdue University at ginagalang na mananalaysay sa Mormonismo. Ang kaniyang bagong libro ay Sojourner in the Promised Land: Forty Years Among the Mormons (University of Illinois, 2000).



Si David P. Wright, Ph.D. ay Associate Professor ng Ancient Near Eastern Studies ng Brandeis University sa Waltham, Massachusetts. Siya ay dating nagturo sa Brigham Young University. Siya ang may-akda ng napakaraming artikulo at libro sa parehong hanay ng pag-aaral ng ancient Near East at pag-aaral sa Mormonismo.