Buod
Ang Nawalang Libro ni Abraham ay isang
dokumentaryong pelikula na nanalo ng gantimpala* na nag-iimbestiga ng isa sa
mga librong nasa pamantayan ng scripturang Mormon na ang tawag ay Aklat ni
Abraham. Ang Aklat ni Abraham ay unang nilimbag noong 1842 ni Joseph Smith,
tagapagtatag ng Church of Jesus Christ of Latter-day Saints. Patungkol naman
sa tanyag na librong Aklat ni Mormon, ayon sa salaysay ni Joseph siya ay
tumanggap ng banal na inspirasyon, hindi ang pagsulat ng isang bagong
scripturang libro, bagkus ay ang pagdiskubre at pagsalin ng isang
napakalumang kasulatan. Sa kaso ng Aklat ni Abraham, ayon kay Smith na ang
nakarolyong balumbon ng papirus (papyrus scroll) na kanyang nabili sa isang
naglalakong negosyante sa Kirtland, Ohio noong 1835, ay sa katunayan isang
orihinal na teksto na nanggaling sa patriyarkang ama ng Judaismo,
Kristiyanismo, at Islam. Ang rolyong ito, ayon sa sariling salaysay ni
Joseph, ay naglalaman ng nawalang mga sulat ni Abraham at inaangkin ni
Joseph, isang “propeta, manghuhula, at tagapahayag” na kayang magpaliwanag
nito.
Isinalin mismo ni Joseph Smith ang balumbong
rolyo, at nagsama pa siya ng mga larawan na nanggaling sa papirus (papyrus)!
Ngunit, walang sinuman sa panahong iyon na makapagpapatunay kung ang
kaniyang mga salin ng teksto o mga paliwanag sa mga larawan, o mga kopya
(“facsimiles”) ay wasto. Sapagkat walang sinuman sa America ang may
kakayahang magbasa ng makalumang Ehiptong hiroglipiya (Egyptian
hieroglyphic) at tekstong hiratik (hieratic text).
Ang salin ni Joseph ay nagtaas ng ilang mga
kilay sa pagitan ng mga hindi Mormon, ngunit ang Simbahan magpahanggang
ngayon ay pumapanghawak sa pagiging totoo ng dokumento at ang ganap na
kawastuhan ng salin na ginawa ni Joseph Smith.
Ngunit papaano kung ang mga modernong mga
mag-aaral ng Ehipto (Egyptologists) ay mapag-aaralan ang parehong dokumento
na ginamit ni Joseph sa paggawa ng kaniyang mga salin noong 1830’s? Ang mga
iskolar ba na may alam sa Ehiptong hiroglipiya (Egyptian hieroglyphic) at
tekstong hiratik (hieratic text) ay aayon sa salin ni Joseph? Kung
magkagayon, ang reputasyon niya bilang propeta ng Diyos ay lubusang
madaragdagan at masusuportahan.
Sa kabilang banda, papaano kung mapatunayang
hindi wasto ang kaniyang salin? Ano ang sasabihin ng Simbahang Mormon? Ano
ang gagawin ng mga mananampalatayang Mormon?
Alamin dito sa kagilagilalas na dokumentaryong,
Ang Nawalng Aklat ni Abraham: Pag-iimbestiga ng isang Pambihirang
Pag-aangkin ng Mormon.
· Panoorin
ang paglikha ng Kirtland ayon sa kaniyang kaayusan noong 1835 habang
dumadaan ang bumibiyaheng negosyante ng mga sinaunang gamit sa bayan ay
nagbebenta ng makalumang kagamitan ng Ehipto (ancient Egyptian artifacts).
· Alamin
ang paglabas ng mga papiri (papyri), 100 taon matapos masabing ito ay
nasunog diumano sa malaganap na sunog sa Chicago (great Chicago fire).
· At
makinig habang ang mga prominenteng iskolar – parehong Mormon at hindi
Mormon – ay nagpapaliwanag kung ano talaga ang dokumentong ito, at ano ang
epekto nito sa simbahan sa ngayon.
* Bronze Telly Award, 2003Pindutin dito, para sa ibang impormasyon
patungkol sa sa Aklat ni Abraham (ang tomo ng scripturang Mormon).
|